masyadong sure ang "will" he he
probable lang
sa case ng PIP, since nasa peak na ang cycle pwedeng mag reverse or mag sideways. actually pwede ring tumaas ha ha anything can happen. Parang bomalabs na ang butterfly dahil nasa peak na yung cycle.
Ginagamit ko lang ang cycle indicator kapag may harmonic pattern, kapag wala, dedma lang. so sa case ng AGI, AB=CD / Gartley yung pattern which are both reversal patterns. Pwedeng mag morph yan into butterfly depende sa lakas ng momentum. So gamit ng cycle indicator, nagkakaron tayo ng idea na hindi pa ito mag rereverse or ma invalidate ang current pattern at ayun na nga na invalidate na. Kapag tumama sa 127% si AGI, butterfly na yan. Hanggang 161.8% valid butterfly pa rin. Kapag nasa loob na ng PRZ at malapit na mag peak ang cycle, signal na yan to sell.
Kung titingnan mo ang FPH, same case, same setup, same-same. May ilang bars pa ngang natitira bago mag bottom ang cycle. Pano mong hindi sasakyan yan he he. 10 bars ang tolerance -- 10 bars to bottom, 10 bars to peak, pwede na i-consider.
Sa case ni NI, hindi harmonic pattern kundi inverse H&S. Hindi ko pa na test sa classic patterns ito, nadala lang ng hype ha ha. Back test ko sa classic patterns para pogi.
May reason kung bakit harmonic patterns mas effective ang cycle indicator, hurst (gamit ko sa forex). Not sure but it has someting to do with Chaos Theory -- Study of order. Medyo nosebleed kaya saka na aralin he he.
Hindi ito ang usual indicators nyo like RSI, MACD, ADX, Bollinger and the like.
Links:
http://www.tradingfives.com/JMHurst/JMH ... rading.htm
http://www.harmonictrader.com/whatht.htm
